The Waiting Period

cde4da38f6e677f1f1a97bad6beba77e

Gusto ko maghintay, marami akong mga bagay na hinihintay, napakaraming aspeto kagaya ng karera sa trabaho, pagtuklas sa particular na purpose ng buhay ko, ang pagkikitang muli ng pamilya ko na nasa iba’t ibang bahagi ng mundo, at higit sa lahat, ang pag-aabang sa tama at itinakdang pag-ibig. Sabi ng isa sa mga mentors ko, ganito daw talaga ang trabaho ng mga babae, ang maghintay at magdasal. MAGHINTAY ng may maligaya at mapayapang puso, at MAGDASAL ng walang kapaguran, walang humpay, hanggang sa ibigay Niya ang iyong hiling.

Gusto ko maghintay, kahit matagal-tagal ang proseso, basta tama, basta naaayon sa kasulatan ng Panginoon. Dahil naniniwala ako na kapag Siya ang nag-sulat ng storya, walang laban ang kayabangan ng mundo. Kapag naghintay ako sa pangako Niya, umasa ako sa kapangyarihan Niya at ipagpatuloy ang aking pananampalataya, kanyang bibigyang tugon ang aking mga dalangin at hindi mauuwi sa wala ang paghihintay ko.

Gusto kong maghintay ng hindi nangdadaya, masyado ng maraming mga tao na nagsasabing naghihintay sila pero bahagi ng kanilang paghihintay ay pandaraya, paghahanap ng panandaliang aliw, keylangan daw nila yun e, tao lang daw. Leche, so lahat nalang tayo ganun nalang? Sorry, tao lang? Puro dahilan? Puro palusot? Pero gusto ko maghintay, dahil naniniwala ako na may patutunguhang mabuti ang paghihintay ko. Worth it ‘to dahil hindi motivated ng kasinungalingan at corruption, hindi madugas, hindi mapanlinlang. Worth it ang totoong pag-aabang.

Gusto kong maghintay, pero higit sa lahat, gusto kong maging mapagpasensya habang naghihintay sa tamang takbo ng panahon, sa tamang oras, sa tamang pagkakataon. Naniniwala ako na darating ang panahon na matatapos din ang panahon ng paghihintay, mapapawi din ang lahat ng hirap na kinailangang pagdaanan.

Gusto kong maghintay. Maghihintay ako, magdarasal ako. Naghihintay ako, nagdarasal ako. Salamat, Panginoon ko. ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s