Hele sa Hiwagang Hapis

  
Walong oras yung pelikulang pinanood ko, hindi pwedeng wala akong maramdaman. Ano bang pakay ng mga taong gumawa nun? Bakit ba nila ginawa yun? Seryoso, walong oras, hindi naman nila siguro gustong aksayahin lang ang bawat segundong ginugol ng mga manonood, feeling ko it wasn’t mere marketing strategy, or hindi din sinadyang gamitin si John Lloyd and Piolo para lang kumita at panoorin ‘to ng madla, dapat may purpose, may malalim na dahilan. Pakiramdam ko meron naman.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, mabilis lang ‘to gusto ko lang ilabas. I won’t forget this film, at ang desire ng direktor, sa palagay ko na makamit natin ang tunay na kalayaan. Freedom is in us, it is up to us. Tayo ang bahala kung lalabanan natin ng galit ang galit, ng kadimonyohan ang dimonyo, ng mali ang mali. Pero siguradong hindi tayo magtatagumpay kung yun ang pakay natin. Nakita kong nanaig ang pagmamahal at some point sa movie, kapatawaran, awa, pagkalinga, these are actually Filipino characteristics na makikita pa din natin hanggang sa kasalukuyang panahon. Pero totoo din ang sinabi ni Gregoria de Jesus, hindi ko maalala ang exact words but the idea is: kasamaan ng pagkatao ng tao, masama tayo by nature, sakim, mapaglamang sa kapwa, kaya keylangan nating magbago, keylangan natin si Hesus para baguhin ang kaibuturan ng puso nating madumi. S’ya lang naman ang may kakayahang gawin yun.

Sabi ng Pari kay Isagani, iayos o itama ng nakababatang henerasyon ang mga maling desisyon ng matatanda, dito ako sobrang tinamaan. Kung titingnan mo ang Pilipinas ngayon marami naman talagang baluktot na kaganapan, madami pa ding mga kababaihan ang ginagahasa, korupsyon, dahas at kamatayan ay hindi lubusang napapawi. Kahit sa aking sariling pamilya, nakikita ko ang resulta ng mga maling desisyon na nagawa ng mga magulang ko, pati ng mga Tito at Tita ko. Dito pa lang minumulat na ng Panginoon ang mga mata ko na tanging ang paraan Nya lamang ang mananaig, na tanging pagsunod sa Kanyang utos at salita ang maghahari. Ang tanong, willing ba ako to pursue His’ path? Willing ba tayo na magpagamit para sa tunay na kalayaan? Hindi yung pabebe at pagpapacute lang. Willing ba ako? Willing ba tayo? Gaano kalaki ang desire natin para sugpuin at patayin ang karahasan sa mundo? Gaano natin nais na mailagay sa tama ang lahat? 

Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. -Romans 6:23

Mabuhay ang Pilipinas. Mabubuhay ang Pilipinas. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s