DEAR TAZIC 🖤

Hindi ako makatulog, hindi ako matutulog unless malabas ko ang nararamdaman ko at malaman ng buong mundo kung gaano ka ka-dakila. Hindi pa ako pinapanganak, yaya ka na ng pamilya ko. Chubby ka pa dati, kasi ikaw palagi ang kumakaen ng tira naming magkakapatid, taga-ubos ng gulay, kasi hindi kami mahilig sa gulay nila kambal. Pinanganak si Paul, ikaw pa din ang naging yaya nya. Every time na magbibiro ka na lalayas ka na, iiyak kaming lahat, hahabulin ka namin hanggang sa gate ng Eastside. Memorized mo ang birthdays naming magkakapatid, pati relatives namin randomly ireremind mo kami na kaarawan nila at tatanongin mo kung na-greet na namin sila. Wala kang palya, Ate Tas!

Pumunta sa USA sila Mama and Papa more than 10years ago, ikaw na ang tumayong magulang ko dito sa Pinas. Kung may isang taong pinaka-nakakakilala sa akin, ikaw yun. Ikaw ang nagtitiyaga sa katamaran at kadamutan ko, ikaw ang sumasalo sa sama ng loob at init ng ulo ko sa mga bagay-bagay na walang katuturan. Ikaw ang nag-comfort sakin noong iniwan ako ng ex-boyfriend ko 6years ago, sinamahan mo ako sa mga impulsive/biglaang decisions ko. Yung nagka-dengue ako 2years ago, ikaw nagdala sa akin sa ospital at nag-alaga. Palagi mo akong binibilhan ng Jollibee every month kapag sumisweldo ka. Palagi mo akong pinapautang sa tindahan mo noong mga panahong unemployed ako. Palagi kang nandyan, palagi. Pero sorry Ate Tas cause I take your presence for granted, dahil hindi ko napapahalagahan ang pagmamahal mo sa akin. Ang dami mong ginawang kabutihan, hindi ka na nga nag-asawa, kami na ang naging pamilya mo. 

Ang prayer ko ay sana gumaling at lumakas ka na. Mawala ng ang sakit ng ulo mo, kumaen ka ng healthy and ng tama para hindi na ma-trigger ang diabetes mo. Jesus is your healer, Ate Tas! Go and be healed na dahil mag-movie date tayo soon, manonood tayo ng KathNiel, and I’ll bring you to Salad Stop, masarap ang gulay nila doon. 

I love you, Ate Tas! Jesus loves you so much! You are healed, in Christ’s Mighty Name. 💞