Pre Flight (Heart) Check

Mga dalawang buwan din akong hindi nagsulat, ngayon ay paalis ako sa desiyerto, para magbakasyon ng isang linggo kasama ang mga mahal ko sa buhay. Tapos sa January, one month din with my loved ones in the USA.

Lately, I’d always ask God to give me wisdom on what to write, pero pakiramdam ko parang nasabi ko na lahat, parang wala ng bago. Yung mga bagay that I stand for in life, parang sobrang wala na akong mapigang wisdom, feeling ko stagnant water ako, yung knowledge ko parang walang nangyayari. Feelingera nanaman ako. Buti nalang hindi emotion ang basis ng salvation, mabuti nalang hindi nirerequire ni Lord ang eloquence at mataas na IQ & knowledge sa theology sa pagbigay Nya ng opportunity to know Him more. Kasi nga lahat naman Grace lang Nya. Daming insecurities, mabuti hindi din minus points yun sa realidad na one day, pupunta ako sa langit, doon, wala ng hassle, hindi na ako iiyak, hindi na ako mapapagod kakafigure out ng buhay.

Philippines won the Miss Universe crown a few days back, galing ni Catriona Grey, I’m a fan. Ang saya ko cause marunong na ako mag rejoice for others’ success. Pero I’m irritated at the selfish feeling in my chest, na flashback: dream ko dati yan e. Tatlong taon I pursued it, and hindi yun para sakin. Minsan nakakapikon yung entitlement sa puso ko, when I dream of achieving other’s destiny. I have to remind myself na hindi na ako yun, and it was never meant for me. My profession is totally different now. I pray na maalagaan ko kung ano ang meron ako and kung sino ako ngayon. I pray that I don’t let the opportunities of today pass me by, dahil lang sa nagmumukmok or na-sasad ako na hindi ako nagka-korona. Ungrateful ba? Oh well, may God work in my heart.

I want to be grateful, hindi yung showbiz gratefulness, yung legit!!! Yung nararamdaman ko talaga hindi based on the physical or material, but on the things unseen yung gratefulness ko. I want to be spiritually satisfied about this life I have now. Ang dami dami-daming oras at pagkakataon para mas makilala pa ang Panginoon. I don’t want to procrastinate anymore. Salamat talaga sa constant assurance of His Word, na steadfast ang love Nya, na hindi nauubos ang biyaya Niya, na faithful Siya. Kung hindi ako nareremind ng Word Nya, wala na, kawawa na ako, for sure wala ng direction ang mga plano ko sa buhay.

Isa sa pinaka malaking panalangin ko ay nasagot na, nakapunta na ako ng America after not seeing my parents for 15years and some of my siblings for more than 8years. This coming 2019, I want to pray new prayers and dream new dreams. Gusto ko maging productive and full of achievements, gusto ko mamultiply and mamaximize ang lahat ng bagay that He entrusted to me. Pagdadasal ko pa ‘tong mga ‘to. Many are the plans in my heart, pero purpose pa din ni Lord ang magpe-prevail.

Siguro bottom line is miss ko lang talaga makapag spend ng quality time with God. I want His wisdom. I want His peace. Ang dami-daming nangyayari, kung hindi ako lumilipad for work, I’ll be on a vacation, or busy with my online business, or socializing, or kung saan-saan nakakarating. Honestly, nakakapagod din minsan ang leisure, si Jesus lang kasi talaga nakakapag-satisfy ng heart ko. Haiiii.

Haiii Lord, GRACE PLEASE! Paramdam ka ng bongga. Miss You, I pray na nagglorify kita sa lahat ng ginagawa ko. Thank You for never leaving nor forsaking me. Thank You for the gift of rest. Thank You for always being at work sa heart and mind ko. Please give me a safe flight to Singapore in a few hours, and a favoured & smooth flight to Manila. Allow every moment of my days off to be filled with YOU, cantered in YOU, dedicated to YOU. I need You. I need Your GRACE! ❤️

Xxx

Advertisements